Monday, June 16, 2014

Mt. Manalmon, Mt. Gola and Cave Bayukbok

MT. MANALMON
San Miguel, Bulacan
Major jump-off: Sitio Madlum, Brgy. Sibul, San Miguel
LLA: 15°15.11'N; 121°1.22' E; 196 MASL
Days required / Hours to summit: Half-day / 1 hour
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2


Bali eto yung very first ever first hike ko in my existence. Thanks to my high school best friend jheck for the invite.


Side kwento tungkol sa mt. manalmon
Ang kwento sa bundok na to, nuong unang panahon may mag asawang naninirahan sa bundok at isang araw ay na ngaso ang lalaking asawa. Sa pangangaso ay may nakitang puting usa at pinana yon. Yun pala ay isang diwata at bilang kaparushan ay nilamon ng lupa ang lalaki. Nang hindi bumalik ang asawang lalaki ay hinanap naman ng babae sa bundok ang kanyang asawa. Nag patulong sya sa isang albularyo at pinakausap ang diwata. Ang sabi ng diwata bibigyan nya ng 8 jars at 7 araw para ma puno ang mga jar ng mga prutas para sa alay at mapakawalan ang lalaki. Pagkatapos ng pitong araw ay nakaka 7 1/2 jars lang sya at ang ginawa nya para mapuno ay nilagyan ang tubig. nung inalay na nya ito sa diwata ay nakita ng diwata na kulang ang laman ng jar nagalit to at ginawang ibon ang babae at ang lalaki ay tinuluyang nilamon ng lupa. Kaya ang bundok na yon ay tinawag na bundok manlalamon at naging Manalmon na ngayun.

Manalmon Summit








Mt Arayat view from summit of Mt manalmon

Mt Gola
Bago pumunta sa Gola nag river treking muna since di ako nag dala ng cam nun wala akong pic heheh naligo muna dun then afte ligo sa river diretcho na sa gola. Inabot kami 11 nawili kami sa river kaya ayan sunog at gutom na kami nung nakarating sa gola.

Noung araw daw naging kuta ang guerrilla ang bundok na to gola means (nakalimutan ona sa salitang kastila omg update ko nalang ulit to pag naalala ko) from dito sa bundok inaabangan nila ung mga hapon tapos babarilin.

Bayukbok cave - may rappelling, body language na talaga namang masusubukan ang katawan at buti nalang at nagkasya naman ako hehe. Pero kung iccompare to sa sagada mas maikli to.











Monkey bridge - hindi ko na na try mag ganito dahil ang sakit na ng binte ko sayang isa to sa na missed ko.




Expenses - nag rent kami ng van umabot din sa Php1k+  ang gastos. May bayad po ang CR, bihis at ligo sa may registration. 

eto ung fixed na bayad for the group. Honest naman po ang mga tao dito kaya walang problema. :)

Ang Mga tour guide namen ang magkapatid na sina
Kuya Eduard

Kuya Emmanuel

magaling sila maraming information at history na mapupulot tungkol sa bayan at bundok. Sabi nga ni emmanuel hindi pa daw ganung kilala ang bayan nila at nagpapaslamat sya na marami ng turista ang pumupunta dun. nag sside line sya bilang tourist guide pag weekend at student pag weekdays.








No comments: